Pangalan: Cruzado, Anthony Edad: 50 Edukasyon: Sto. Nino High School (Hayskul) Doctor of Medicine (1984) Master in Business Administration specialty in Health (Ateneo De Manila University) Negosyo: Pharmacy, Hospital (St. Anne’s Maternity and Children’s Medical Clinic), Bigasan, Commercial Trading, Smart cellular service (Stockholder) Bilang isang doctor, siya ay visiting consultant sa MMG Hospital at Vertucio Medical Clinic. Siya rin ang Chief of Hospital ng Roxas District Hospital. Kososyo rin niya ang kanyang mga kapatid sa isang resort sa Mindoro, and Cruzmart Beach resort. 1. Nakatulong ba ang pag-aaral niyo sa UST sa inyong mga negosyo o trabaho ngayon at papaano? Syempre nakatulong dahil hinugis nila ako ng maigi 2. Ano pong mga kaugaliang naibigay sa inyo ng UST na nakatutulong pa rin sa inyong negosyo at sa sarili niyo hanggang sa ngayon? Andyan na ang pagiging relihiyoso dahil nga sa isang Catholic School ang UST. Tinuruan nila akong magsimba tuwing Linggo, at dahil na rin sa mga subjects na may kinalaman sa Religion na tinuturo rin nila. Dahil siguro doon kaya maganda ang takbo ng mga negosyo ko at pagiging intact at healthy ng family ko. 3. Papaano niyo po naiba- balanse ang inyong pag-aaral ng Masterals, pamilya at inyong mga negosyo? Mode of Managerial lang naman yan tsaka nasa tao. Magrereport na lang sila sa akin through cell phone kung may problema. Basta sa pagma-mange lang naman ng time, dapat equal time parati. Nag-iiwan siya ng mga namamahala sa bawat negosyong kanyang iiwan, tulad ng pagtitiwala niya ng hospital sa kanyang asawa at hinahati niya ng mabuti ang kanyang oras sa mga ito.Isang araw dito muna ako, kinabukasan dito naman. Naikuwento rin ni Dok sa amin ang kanyang ordinary routine sa isang linggo. Aalis sila ng kanyang asawa sa Mindoro paluwas ng Manila ng Biyernes. Siya’y papasok ng buong araw ng Sabado at uuwi sa kanilang condominium kung saan tumitira ang kanyang dalawang anak. Mamamalagi muna sila doon upang maglaan ng oras kasama ang buong pamilya at babalik sa Mindoro ng Linggo ng gabi, o Lunes, depende sa okasyon. Ito ang kanyang ginagawa upang mabigyan ng oras ang kanyang pamilya, pag-aaral, trabaho at mga negosyo. 4.Paano po nagsimula ang inyong negosyo? Nagnenegosyo na ako noong College pa lang ako kasama ng iba kong kaklase. Nagbebenta na siya noon ng mga T-shirts sa kapwa niya estudyante. Nang siya ay mag-internship, nagbenta naman siya ng mga scrub suits sa ibang interns kasama ang kanyang dalawa pang kadorm. Umabot pa sa ilang mga eskwelahan tulad ng sa Trinity ang kanilang pagnenegosyo. Mahirap pa raw noon ang buhay at mahal ang tuition fee, kaya niya naisipang mag-sideline sa pagbebenta ng T-shirts at scrub suits. Gusto niyang makatulong sa kanyang mga magulang sa pagbabayad ng kanyang tuition, lalo pa na Medicine ang kanyang kikukuha. Ngayon kapapatayo ko ng 12 na post lights at pinagawa ko yung bakuran sa simbahan sa Roxas.Lahat gastos ko. Nagvo-volunteer rin siya sa mga proyekto ng simbahan upang makatulong sa mga nasalanta. Noong kanyang 50th na kaarawan, kasama ng kanyang pamilya, nagbigay sila ng libreng tuli sa mga kabataan at nag-isponsor ng pagdo-donor ng dugo. (Pharmacy at Hospital) (Pharmacy)